-- Advertisements --
Nagkausap si US President Donald Trump at Ukrainian President Volodymyr Zelensky.
Ang nasabing pag-uusap ay matapos ang ginawang pagtawag ni Trump sa telepono kay Russian President Vladimir Putin.
Sinabi ni Zelensky na naging mahalaga at mabunga ang pag-uusap nila ni Trump.
Tinalakay nila ang air defense, joint defense production at ang “mutual procurement and investment”.
Una rito ay ikinadismaya ni Trump ang pag-uusap nila ni Putin dahil sa nagpakita ito ng kawalan ng interest para matapos na ang giyera.
Magugunitang sa kampanya noong halalan ay sinabi ni Trump na nais niyang tapusin na ang labanan sa pagitan ng Ukraine at Russia.