-- Advertisements --

Binatikos ni US President Donald Trump ang paglabas na desisyon ng US Supreme Court na nagsabing iligal ang kaniyang pagpataw ng mga taripa sa mga produkto ng iba’t-ibang bansa.

Tinawag pa ni Trump na isang kahihiyan sa US ang desisyon na ito na inilabas ng Supreme Court.

Kasabay din nito ay inanunsiyo ni Trump na magpapatupad din ito ng 10 percent na global tariff.

Magugunitang naglabas ng desisyon ang US Supreme Court at sinabing iligal ang pagpapatupad ni Trump ng mga taripa sa iba’t-ibang bansa dahil sa kawalan ng pag-apruba ng US Congress.