Ligtas ang 40 seafarers na sakay ng First Margaux, matapos ang naging banggaan sa pagitan ng Chinese fishing vessels sa Singapore Strait, ayon sa Department of Migrant Workers.
Ayon pa kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Han Leo Cacdac, na wala namang Filipino crew members ang nasaktan sa banggaan.
“There have been no reports of any injury to Filipino seafarers onboard. However, at this stage, we are still gathering relevant information from the manning agency.”
Ayon pa kay Cacdac na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa pamilya ng mga Filipino seafarers na sakay ng First Margaux upang mabigyan ng kaukulang tulong ang mga apektadong tripulante matapos ang banggaan.
Hindi pa sa ngayon malinaw kung mayroon ding mga Pilipino na sakay ng Chinese fishing boat.
Ayon naman sa Maritime and Port Authority ng Singapore sa inilabas nilang ulat na patuloy pa rin ang ginagawa nilang imbestigasyon kaugnay ng insidente sa pagitan ng First Margaux na lulan ng mga Pilipino at ng China-registered fishing vessel.










