-- Advertisements --

Kinontra ng Iran ang patuloy na military build up ng US sa Middle East.

Sinabi ni Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi, na hindi sagot ang giyera para tuluyang matanggal ang nuclear program nila.

Mahalaga ang pagsasagawa ng diplomasya at pagpupulong.

Dagdag pa nito na ang ginagawa ng US na paglalagay ng mga warships nito sa karagatang malapit sa Iran ay hindi nakakatulong at walang kuwenta.

Kapag dumating pa sa airstrikes ay hindi na makakabuti sa dalawang panig at tiiyak na marami ang madadamay.

Magugunitang nagbigay si US President Donald Trump ng hanggang 10 araw sa Iran na tumugon sa pag-uusap para tuluyang mawala ang paggawa nila ng nuclear program.