-- Advertisements --

Nakalikom ng kabuuang $7 bilyon na pledges mula sa ilang bansa na sumapi sa Board of Peace na binuo ni US President Donald Trump.

Ang nasabing halaga ay gagamitin bilang relief package ng Gaza.

Isinagawa ni Trump ang anunsiyo sa kauna-unahang pagpupulong ng organisasyon.

Dagdag pa ni Trump na makikipagtulungan sila sa United Nations (UN) para sa nasabing pagsasaayos ng Gaza.

Magbibigay umano ang UN ng $2-B habang ang football body na FIFA ay mayroong target na makalikom na $75-M para sa ilang proyekto sa Gaza.