-- Advertisements --

Naglabas ng desisyon ang US Supreme Court na iligal ang pagpapataw ni President Donald Trump ng mga taripa sa iba’t-ibang bansa.

Sa majority decision na inilabas ni Chief Justice John Roberts nakakuha ng anim ang pumabor at tatlo ang hindi na mga judges ukol sa nasabing desisyon na ito ni Trump.

Nakasaad dito na dapat ay mayroong authozation ang US Congress bago ang pagpapatupad ni Trump ng nasabing taripa.

Mula kasi noong Disyembre 14 ay nakakulekta ang federal government ng nasa $134 bilyon na kita mula sa taripa na kanilang nakulekta sa mahigit 310,000 na mga iba’t-ibang importers.

Magugunitang nagpataw ng hanggang 145% na taripa si Trump sa China noong 2025.

Ilang bansa rin ang binigya ng pagkakataon ni Trump na mag-adjust ng kanilang mga taripang ipinapataw sa mga produkto ng US para hindi din nila taasan ang taripang ipinapatupad.