-- Advertisements --

Ipinahayag ni U.S. President Donald Trump na kailangan ng Ukraine ng mga Patriot missle systems para sa kanilang defense matapos ang pakikipag-usap niya kay Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy noong Biyernes.

Tinukoy ni Trump ang bisa ng Patriot missile systems at sinabing “They’re going to need them for defense… They’re going to need something because they’re being hit pretty hard,” habang nagpapatuloy ang pag-airstrike ng Russia sa mga lungsod ng Ukraine.

Ayon kay Zelenskiy, napag-usapan na nila ni Trump ang pagpapalakas ng air defense capabilities ng Ukraine, kabilang ang joint production, pagbili, at ang pag-invest ng defense military. Dagdag pa ng pinuno ng Ukraine na magsasagawa sila ng mga pagpupulong para pag-usapan ang mga detalye.

Samantala, nagbabala ang Kyiv na posibleng humina ang kanilang depensa matapos ihinto ng Washington ang ilang padalang armas. Germany naman ay nakikipag-usap upang bumili ng Patriot systems upang pansamantalang punan ang kakulangan.

Samantala, nagbabala naman ang Kyiv na posibleng humina ang kanilang depensa matapos ihinto ng Washington ang pagpapadala ng mga armas.

Una naring iminungkahi ng Germany sa Ukraine na bumili na ng mga Patriot systems upang pansamantalang punan ang kakulangan ng bansa.

Inuulat naman ng Reuters na may “optimism” nang nabubuo sa pagitan nina Trump at Zelenskiy kung saan maipagpapatuloy daw ang supply ng mga missiles matapos ang kanilang 40 minutes na pag-uusap.

Naganap ang pag-uusap ilang oras bago ang pinakamalaking drone attack ng Russia sa Kyiv simula nang magsimula ang digmaan. Tinawag naman ni Zelenskiy ang pag-atake na isang mapinsala.

Maaalalang una nang tumanggap ang Ukraine ng Patriot systems mula sa Amerika bilang bahagi ng military aid sa ilalim ng dating administrasyong Biden.