-- Advertisements --

Itinanggi ng White House ang mga ulaat na may sakit si U.S. President Donald Trump matapos ang pag-kalat ng mga larawan sa kanyang kaliwang kamay na may pasa habang dumalo sa World Economic Forum sa Davos, Switzerland.

Ayon sa White House, sanhi lamang ito ng pagkakatama ng kamay ng pangulo sa gilid ng isang mesa at hindi nangangahulugang banta sa kanyang kalusugan.

Kinumpirma ni Press Secretary Karoline Leavitt na walang pasa sa kamay si Trump bago ang naturang insidente.

Gayunman, muling umusbong ang espekulasyon sa kalusugan ng 79-anyos na si Trump dahil sa mga naunang pasa sa kanyang mga kamay na na-obserbahan sa publiko.

Iginiit ng administrasyon na nasa maayos na kalagayan ang kalusugan ni Trump, na dati nang idineklarang may “excellent” cardiovascular health ng kanyang doktor.