-- Advertisements --

Itinalaga ng Iran si Mojtaba Khamenei bilang kanilang bagong supreme leader.

Siya ang anak ng napaslang na si Ayatollah Ali Khamenei.

Pinili siya ng Assembly of Experts ng Iran na binubuo ng 88-member body ng elected senior cleric na ang trabaho ay pumili ng supreme leader.

Huling pumili ang assembly noong itinaguyod ang Islamic Republic noong 1979.

Napili noon si Ali Khamenei matapos ang pagpanaw ni Ayatollah Ruhollah Khomeini ng mahigit tatlong dekada.

Una ng sinabi ni US President Donald Trump na hindi rin magtatagal ang mapipiling bagong supreme leader ng Iran.

Magugunitang nasawi si Ayatollah Ali Khamenei matapos ang ginawang pag-atake ng US at Israel.

Si Mojtaba Khamenei ay pangalawang anak ni Ayatollah Ali Khamenei na napatay sa unang araw ng giyera.

Base na rin sa ulat ng US ay sugatan din si Mojtaba kaya hindi pa ito nagpapakita sa publiko.

Kasama ring nasawi sa pag-atake ng US at Iran ang asawa ng 56 anyos na bagong Supreme Leader ng Iran bukod pa dito ang ina, asawa at isa sa kaniyang kapatid na babae.

Hinikayat ng Assembly of Experts sa Iran ang kanilang mamamayan lalo na ang mga elites at intellectuals sa mga seminaryo at unibersidad na magpakita ng suporta sa bagong Supreme Leader.