Labis ang pagkadismaya ni Golden State Warriors coach Steve Kerr sa naranasang masaklap na pagkatalo sa grupo ni Kawhi Leonard ng Los Angeles Clippers.

Una rito tinambakan ang warriors ng clippers, 141-122.

Ayon sa coach, kulang pa sa galing sa shooting ang kanyang mas batang team ngayon.

Nangangamba din ito na tapos na ang limang taon nilang pamamayagpag lalo na at wala na si Kevin Durant at injured pa rin ang kanilang deadly 3pt shooter na si Klay Thompson.

Maging si Stephen Curry ay tanggap din na mahina sa depensa ang kanilang bagong set ng players.