Nananatiling bukas para sa lahat ng mga team sa NBA ang ilang mga bigating NBA player habang nasa kasagsagan ang offseason.
Sampu sa mga bigating free agent ngayong 2025 ay ang mga sumusunod:
– James Harden, Los Angeles Clippers
– Julius Randle, Minnesota Timberwolves
– Naz Reid, Minnesota Timberwolves
– Myles Turner, Indiana Pacers
– Jonathan Kuminga, Golden State Warriors
– Cam Thomas, Brooklyn Nets
– Dennis Schröder, Detroit Pistons
– Malik Beasley, Detroit Pistons
– Ty Jerome, Cleveland Cavaliers
– Chris Paul, San Antonio Spurs
Ang mga naturang NBA player ay nananatiling bakante para sa mga team na nagnanais magkaroon ng upgrade ngayong offseason matapos tuluyang magbukas ang free agency.
Bago nito ay ilang bigating NBA player na rin ang pinakawalan ng kanilang team tulad ng mga NBA champion na sina Kristaps Porzingis at Jrue Holiday, ilang araw mula nang matapos ang postseason.