-- Advertisements --
Muling ipinaalala ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Nicolas Torre III sa kapulisan nito ang pagiging physically fit.
Sinabi nito na dapat ay makagawa man lang ng 40 push-ups ang mga kapulisan kada araw para makamit ang fitness standards sa loob ng isang taon.
Dagdag pa nito na ang mga kapulisan ay maaring maagang mag-out sa opisina tuwing Martes at Huwebes para makasali sa pag-eehersisyo.
Binigyang nitong halaga ang nasabing pagiging magandang pangangatawan ng kapulisan para hindi mawala ang respeto ng publiko sa kapulisan.
Iginiit nito tutuluyan niyang sibakin sa puwesto ang mga kapulisan sa loob ng isang taon kung hindi sila naging physically fit.