-- Advertisements --
Nilinaw ng Department of Transportation (DOTr) na makakatanggap ng fuel subsidy ang mga operators at drivers ng mga pampublikong transportasyon, nag-consolidate man o hindi.
Paliwanag ng ahensiya na hindi kailangang nakapag-consolidate para makwalipika sa subsidiya ng gobyerno para sa PUVs na apektado ng big-time oil price hike dulot ng sigalot sa Middle East.
Sa ngayon, inihahanda na aniya ang fuel subsidy at nakikipagtulungan na sila sa iba pang ahensiya ng gobyerno para paspasan ang pamamahagi ng subsidiya para sa mga PUV drivers at operators.
Inaasahang ilalabas ang subsidiya sa lalong madaling panahon alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pabilisin ang pamamahagi nito.