Bagong Bayani Executive Eagles Club and Lady Eagles Club nag donate ng Dugo sa Hong Kong Red Cross-Causeway Bay Transfussion Center.
Muli na naman pinagunahan ni Eagle Marlon Pantat De Guzman- Club President ng Bagong Bayani Eagles Club at Lady Eagle Jacquelyn Ocfemia ang nasabing Blood Donation.
Ayon kay Marlon De Duzman ang nasabing Blood Donation ay nilahokan ng ilang membro ng nasabing Eagles Club at mga aspirant na nagnanais pumasok sa The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles Incorporated.
Sabi nila na bagamat nakakatulong ang pag donate ng dugo upang makapag salba ng buhay ng kapwa tao ay mas lalo din itong nakakatulong sa mga donors dahil bukod sa nakaka iwas na ma develop ang pagkakaroon ng high cholesterol at hypertension at nakaka tulong din ito para malinisan ang blood vessels ng bawat donors dahil ito ay napapalitan din sa oras na sila ay makuhaan.
Ang gawain na ito ay ginagawa ng grupo taon-taon o minsan ay kada tatlong buwan din sa Hong Kong. Isa itong pagpapakita ng paglilingkod sa kapwa tao bilang sinumpaan tungkulin ng Pinoy na Agila.
Sa kabuoan ay umabot sa 15 OFW Donors ang nakapag donate ng dugo mula sa nasabing Eagles Club.