-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Bojan Bogdanovic ang kaniyang pagreretiro sa paglalaro sa NBA.

Ayon sa 36-anyos na nagpasya ito ng tapusin ang 10 NBA season dhail sa kaniyang injury sa kaliwang paa.

Isinilang sa Mostar, Bosnia at Herzegovina at pero naglaro ito sa Croatia bago naglaro sa Real Madrid at sumali sa Zagreb at Feneerbache.

Nagwagi ito sa Croatia at Turkish league bago naglaro sa NBA sa Brooklyn Nets noong 2014.

Lumipat siya sa ibang mga koponan gaya sa Washington Wizards, Indiana Pacers, Utah Jazz, Detroit Pistons at New York Knicks.

Noong 2024 ng operahan ito sa paa at naulit ito nitong Pebrero kaya hindi nakapaglaro sa Nets.

Mayroong average ito na 15.6 points, 3.6 rebounds, 1.7 assists sa mahigit na 719 career NBA games.