Reading Time: 1 minute

Hinimok ni Sen. Grace Poe ang publiko na umiwas na sa mga investment sceme.

Kasunod ito ng mga pahayag ng SEC na kakasuhan ang mga nasa likod ng grupo dahil sa syndicated estafa.

Para kay Poe, dapat maimbestigahan ito at idaan sa tamang proseso kung talagang may mga nalabag na batas.

“Ang importante, malaman natin, hindi ito sustainable e. Ang ginagawa nila, kung may bagong papasok, ‘yung bagong investment na ‘yon, ‘yon ang ibibigay nilang pang-interes so mauubusan din ‘yan. Ilang beses na ‘yan nangyari so sa ating mga nag-iinvest diyan, kung kumikita kayo, cut your losses; kunin na ninyo kung anong meron kayo at kung ako, mag-ingat ingat na,” wika ni Sen. Poe.