Naglabas na ng desisyon ang Korte Suprema hinggil sa isang doktor na kinasuhan ng Medical Malpractice Case dahil sa ‘failed stent procedure’.
Kung saan inabswelto ng kataastaasang hukuman ang naturang propesyunal kaugnay sa kaso nitong kinakaharap.
Iginiit ng Supreme Court na walang pananagutan dito ang doktor sa reklamong ‘medical malpractice’ sapagkat anila’y ipinaliwanag naman nito ang panganib o ‘risks’ sa gagawing procedure at sineguro pang mayroon namang proper consent.
Ito mismo ang binigyang diin ng kataastaasang hukuman kasunod ng pagtibayin nito ang naging desisyon na ibasura ang kaso laban sa doktor na namatay ang pasyente.
Nag-ugat ang kaso noong maghain ng lawsuit ang kampo ng pasyenteng nasawi laban kay Dr. Avelino Aventura ng Head of the Philippine Heart Center Surgery Department sa akusasyong nagkaroon ng medical malpractice sa pumalyang stenting procedure umano.
Base sa impormasyon, naging matagumpay naman ang isinagawang bypass operation ngunit ang medical condition nitong aneurysm ay lumala.
Nagbigay ng dalawang opsyon si Dr. Aventura kung anong maaring gawin sa pasyente at pinili ng pamilya ang stenting option kahit pa walang kasiguraduhan ang kagalingan kalakip ang panganib na maari ding kaharapin.
Dito na sinabi ni Dr. Aventura sa pamilya ng pasyente na ang isasagawang procedure ay maaring maging matagumpay at maari ding magdulot sa posibilidad ng pagkamatay.
Kanyang klinaro na hindi siya ang magsasagawa nito sapagkat aminado siyang labas ito sa kanyang expertise kaya’t inirekomenda niya ito sa isang specialist.
Sa araw ng medical procedure, hindi ito naging matagumpay, nagdulot ng stroke sa pasyenteng si Quintin at hindi na nagising pa.
Ngunit sa kabila nito, abswelto pa rin ang naturang doktor dahil sa kinatigan ng Korte Suprema ang mga desisyong inilabas ng Regional Trial Court at Court of Appeals.
Dito ipinaliwanag at binigyang diin na walang kapabayaan at hindi naman nabigong gawin ni Dr. Aventura ang nararapat sa kanyang tungkulin bilang isang propesyunal.