Nagsagawa ngayong araw ang ilang mga tagasuporta ni former Pres. Rodrigo Duterte ng demonstrasyon sa tapat ng Kataas-taasang Hukuman, lungsod ng Maynila.
Mangilan-ngilan indibidwal ang siyang nagpakita ng kanilang emosyon at lalo na ang pagsuporta sa dating pangulo ng bansa.
Sa panayam sa isa sa mga tagasuporta na si Wendell Martin Cabrera, Co-Convenor ng DDS Sara-All Confederation, ibinahagi niya ang paniniwalang hindi nararapat para kay Duterte ang nararanasan sitwasyon.
Kasalukuyan kasing nakadetene ang dating pangulo sa The Hague, Netherlands dahil sa kasong kinakaharap patungkol sa implementasyon ng ‘war on drugs’.
Nahaharap siya sa partikular na kasong ‘crimes against humanity’ sa International Criminal Court.
Giit pa ni Wendell Cabrera na hindi makatarungan ang pagkakaaresto kay dating Pangulo Duterte at agaran pagdala tungo ibang bansa nang hindi dumadaan sa lokal na korte ng Pilipinas.
Ito aniya ang rason kung bakit sinimulan nila ang inisyatibong kumalap ng mga lagda para sa panawagan pagpapalaya sa dating pangulo.
Alinsunod sa ‘signature campaign’ ng mga grupong tagasuporta ni dating Pangulong Duterte, ibinahagi pa ni Wendell Cabrera na ito’y kanilang isinumite sa Korte Suprema.
Apela aniya nila sa Kataas-taasang Hukuman na iresolba na nito ang mga petisyon nakabinbin may kinalaman sa pambansang isyu.
Kabilang na rito ang mga petisyon inihain kumukwestyon sa legalidad ng pagkakaaresto kay former President Duterte nang ito’y dalhin sa International Tribunal.
Ibinahagi pa niya na tanging Korte Suprema na lamang umano ang kanilang pag-asa upang ito’y malinaw o di’ kaya’y umaasang maiuuwi sa Pilipinas ang dating pangulo.
Paglilinaw naman ng grupo hindi layon ng isinumiteng apela na diktahan ang Korte Suprema hinggil sa gagawi nitong aksyon.
Subalit anila’y hiling lamang nila rito na manaig ang katarungan at mapanatili ang matatag na pundasyon ng konstitusyon ng bansa.















