-- Advertisements --

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr ang opisyal na pagsisimula ng pagpapatupad Ng Capital Markets Efficiency Promotions Act O CMEPA.

Ang CMEPA o ang Republic act 12214 ay komprehensibong reporma sa sistemang buwis na naglalayong gawing mas abot kaya ang pamumuhunan sa bansa  at mas maging epektibo ang ating capital markets para sa mas maraming Pilipino at upang makasabay sa ibang bansa sa rehiyon.

Sinabi ng Pangulo na  higit na mataas ng maka- anim na ulit ang binabayarang tax sa pag- iinvest sa stocks dito sa Pilipinas kumpara sa mga kapitbahay na bansa at pinakamataas sa Asya.

Dahil sa CMEPA, maibaba na SA 0.1 percent na aniyay makaka- hikayat sa mga Pilipino na mamuhunan sa ating capital market

Ibig sabihin ang pagiinvest ng sampung libong stocks ay nangangahulugang sampung piso lang sa halip na sisenta pesos ang babayaran.

Isa rin sa mga pangunahing nilalaman ng batas ay ang pagbaba ng Documentary Stamp Tax (DST) sa orihinal na pagpapalabas ng shares of stock mula 1% tungo sa 0.75%.