-- Advertisements --
Mas nanaisin pa ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na magkaroon ng reenacted budget sa susunod na taon kaysa sa minadaling national budget.
Sinabi nito na mahalaga na tutukang mabuti ng mga mambabatas ang ilang nilalaman ng P6.793-trillion na budget para sa 2026.
Mahalaga din na mabigyan ng mas maraming panahon ang executive department sa naaprubahan ng kongreso na national budget.
Kumpara noong mga nagdaang taon na minadali ang pagpasa ng budget kung saan marami ang nakitang insertions sa mga flood control projects.
Magugunitang una ng sinabi ni Executive Secretary Ralph Recto na maaring sa unang linggo ng Enero mapipirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang national budget kaya gagamit muna ng reenacted budget ang gobyerno.















