-- Advertisements --

Dumepensa ang Malacañang na pumalpak si Pangulong Ferdinand Marcos Jr para panagutin ang mga sangkot sa anomalya.

Kasunod ito sa pahayag ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Eli Remolona na maaaring masama ang muli ang Pilipinas sa Financial Action Task Force(FATF) grey list.

Mahalaga ayon kay Remolona na ipakita sa FATF na may hakbang ang Pilipinas para labanan ang money laundering kasama na ang mga sangkot sa flood control project anomalies.

Sinabi naman ni Communications Undersecretary Claire Castro na masyadong maaga pa ng husgahan at sabihing bigo ang pangulo.

Natanggal na ang bansa sa grey list at hindi tumitigil ang pangulo sa pagpapa-imbestiga sa mga sangkot sa anomalya sa flood control project.

Kailangan din ng tulong ng Anti Money Laundering Council (AMLC) at hindi lamang ang investigating body ang magsasagawa ng mabilisang imbestigasyon.