Tiniyak ng kampo ni Vice President Sara Duterte na gagawin nila ang lahat ng legal remedies matapos na baliktarin ng Senate impeachment court ang conviction threshold.
Ayon kay lead counsel ni VP Duterte na si Atty. Sheila Sison, na tahasang mag-iingat na ang mga pakikibahagi ng mga respondents sa pagdinig.
Lahat ng mga legal remedies na maaring makha sa ilalim ng batas at konstitusyon ay nararapat na ibigay sa Bise Presidente.
Hindi naman aniya natatakot ang Bise Presidente sa kung anuman ang kalalabasan ng kaniyang impeachment trial.
Magugunitang bumuto ang impeachment court na pumapabor sa apila ni Sen. Erwin Tulfo na kumuntra sa ruling ni presiding officier Francis Escudero na dapat ay maryoong 16 votes para sa conviction dahil sa patuloy na pagliban ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa, Rodante Marcoleta, Jinggoy Estrada at Sen. Loren Legarda.
















