BUTUAN CITY – Isang malamig na bangkay ang isang babae nang matagpuan matapos sumbait nang tangayin ng rumaragasang baha sa Andanan River sa Purok 9, Brgy. Noli, Bayugan City, lalawigan ng Agusan del Sur.
Natagpuan ang biktima kaninang pasado alas-una ng hapon matapos mapansin ng isang nagmasid sa malakas na agos ng tubig sa naturang ilog, kung saan nakita na ang kanyang paa na naipit mismo sa pundasyon ng tulay, dahilan upang hindi na siya inanod hanggang Wa-Wa River.
Pinaniniwalaang kaninang umaga pa ito inanod dahil hindi siya nakita ng ilang taong nangingisda pa sa lugar kagabi kung saan siya natagpuan.
Itinuturing ito nbg mga residenteng unang naitalang casualty sa pananalasa ng bagyong Basyang, kungsaan nakuha na rin ito ng kanyang pamilya.














