-- Advertisements --

Pinamamadali ni Sen. Erwin Tulfo ang pagbibigay ng compensation sa mga pamilyang naapektuhan ng madugong Marawi siege.

Ito ay siyam na taon matapos ang malagim na bakbakan na sumiklab sa pagitan ng PH troops at ng mga armadong miyembro ng Abu Sayaff at Maute Terror Group na nagtagal ng limang buwan na armadong labanan sa Lungsod ng Marawi.

Kinuwestiyon ni Tulfo ng Marawi Compensation Board kung bakit marami pa ring residente ang hindi nakatatanggap ng bayad at hindi pa nakakabalik sa kanilang mga tahanan, gayong mag-iisang dekada na mula noong maganap ang malagim na bakbakan.

Batay sa official record ng board, halos 10,000 ang kabuuang bilang ng mga hindi pa nababayarang claimant at sa 2027 ay halos 5,000 claimant lamang target na mabayaran.

Dahil dito, hinimok ng mambabatas ang Board na madaliin ang pagbibigay ng compensation sa mga biktima ng Marawi Siege, kasama ang regular na pagtutok sa kanilang kalagayan.

Maalalang nagsimula ang bakbakan noong Mayo 23, 2017 at natapos noong Oktubre 23, 2017.

Ilang oras matapos nito, pinirmahan ni dating Pang. Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 216, at tuluyang inilagay ang buong Mindanao sa ilalim ng martial law at sinuspinde ang privilege ng writ of habeas corpus. Nagtagal ito hanggang 2019 matapos ang sunod-sunod na inaprubahang extension.