Naniniwala si dating Senator Franklin Drilon na hindi lamang purong “judicial” kundi isa ring political process ang impeachment.
Ginawa ni Drilon, na nagsilbi rin bilang Senator-judge sa nagdaang impeachment cases, ang pahayag nang matanong kung sa kaniyang palagay ay mayroong papel ang Pangulo sa impeachment process laban kay Vice President Sara Duterte at sa paghahanap sa kaniyang magiging successor sa 2028.
Saad pa ni Drilon na magmumukhang hindi kapani-paniwala kung sasabihin niyang hindi makikialam ang Pangulo dahil sa separation of powers ng dalawang mataas na opisyal ng bansa.
Aniya, natural ito dahil ang impeachment ay hindi lamang isang judicial process kundi isa rin itong pulitikal na proseso.
Subalit, makailang ulit naman ng sinabi ng Malacañang Palace na hahayaan ng Pangulong gumulong ang impeachment process at rule of law, at tiniyak na hindi makikialam sa proseso.
Samantala, inihayag din ni Drilon na walang kaduda-duda na ang kasalukuyang mga reklamong impeachment laban sa dalawang pinakamataas na opisyal ng bansa ay “prelude” sa 2028 presidential election.
Sa kabila nito, umaasa ang dating Senate President na magbabase ang mga Senador sa ebidensiya at hindi sa politikal na konsiderasyon.
















