-- Advertisements --

Itinanggi ng Department of Education (DepEd) na tinatanggal na nila ang Grade 11 at 12.

Ito ay matapos ang pagkalat online na epektibo umano sa Hunyo ng susunod na taon ay wala na ang Grade 11 at 12.

Ayon sa DepEd na walang katotohanan ang nasabing balita at ito ay isang uri ng panlilinlang.

Pinag-iingat ng ahensiya ang publiko na maging mapanuri sa mga nababasa nila online.