-- Advertisements --

Inihayag ng Malakanyang na inuuna ni Vice President Sara Duterte ang pansariling interes imbes na pagtuunan ng pansin ang pagta trabaho para sa kapakanan ng bayan.

Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro ang maagang pagdedeklara ni VP Sara ng planong pagtakbo sa pagkapangulo sa 2028 ay patunay umano na nakatuon na ito sa susunod na eleksiyon.

Dagdag pa ni Castro, maituturing din na isang “politician” ang Bise Presidente dahil mas iniisip nito ang pansariling interes at ang darating na halalan kaysa sa kapakanan ng taumbayan.

Inihayag ni Castro, ito ang nakikitang dahilan ng Palasyo kung bakit maaga ang anunsiyo ng presidential bid ng pangalawang pangulo.

Tugon ito ni Castro sa tanong kung maituturing umanong “strategic political move” ang naturang deklarasyon upang maimpluwensiyahan ang pananaw ng publiko at posibleng makakuha ng suporta sa gitna ng mga kinahaharap na impeachment complaints.

Si VP Sara ay nahaharap sa tatlong impeachment complaints sa House of Representatives.