Ipinag-utos ni US President Donald Trump ang “deadly strike” sa Islamic State terrorists (ISIS) sa Nigeria kung saan inakusahan nito ng pamamaslang ng mga Kristiyano sa nasabing bansa ang grupo.
Sa isang pahayag sinabi ni Trump na matagal na niyang binalaan ang mga terorista ngunit hindi nito itinigil ang pagpatay sa mga Kristiyano sa Nigeria kung kaya’t kanyang ipinagutos na bombahin ang hilagang-kanluran ng bansa kung saan nagkukuta ang mga terorista na umano’y walang awang pumapaslang sa mga inosenteng kristiyano sa loob ng maraming taon.
Binigyang-diin ng pangulo ng Estados-Unidos na hindi niya kalian man pahihintulutan na umunlad ang Radikal na Islamikong Terorismo.
“Under my leadership, our Country will not allow Radical Islamic Terrorism to prosper. May God Bless our Military, and MERRY CHRISTMAS to all, including the dead Terrorists, of which there will be many more if their slaughter of Christians continues…The Department of War executed numerous perfect strikes, as only the United States is capable of doing” ani Trump
Ang naging hakbang na ito ng Administrasyon ni Trump ukol sa patuloy na pamamaslang sa mga kristiyano sa Nigeria ay ilang buwan nang pinaglalaanan ng pansin kung saan noong Nobyembre pa lamang ay pinaghahanda na nito ang secretary of defense para sa inaasahang pagsalakay sa mga terorista.
Kaugnay ito ng akusasyon ni Trump ng pagkakaroon ng paglabag sa Kalayaan ng pananampalataya sa Nigeria kung saan sinabing nito na mayroon banta sa relihiyon ng Kristiyanismo sa bansa.
Samantala, wala naman naging pahayag si Nigerian President Bola Tinubu sa naganap na pambobomba, sa halip ay nag bigay lamang ito ng mensahe para sa pasko kung saan hiniling nito na magkaroon ng kapayapaan sa kanyang bansa.















