-- Advertisements --

Tumaas ang bilang ng mga nagparehistro ng bagong negosyo nitong buwan ng Enero.

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) na mayroong 251,168 na business names ang nagparehistro na ito ay mas mataas kumpara sa 236,105 na nagpatala noong Enero ng nakaraang taon.

Nasa 79 porsyento dito ay mga bagong registration habang ang natitira ay renewals na lamang.

Karamihan sa mga negosyong nagpatala ay sa wholesale at retail sector na sinundan ng food sector.

Ikinagalak ng DTI ang nasabing bilang dahil nagpapakita lamang ito ng positibong paglago ng ekonomiya sa bansa.