-- Advertisements --

Nagbigay babala ang Department of Trade and Industry sa publiko lalo na mga negosyante na magtataas ng presyo ng bottled waters, plastic drums at iba pa ngayong may banta ng El Niño. 

Ayon sa kagawaran, hindi ito magdadalawang isip na patawan ng multa o kaukulang parusa ang mga matutuklasang lumalabag sa batas na manufacturers, distrubutors, at iba pang hindi nasunod sa regulasyon ipinatutupad. 

Paiigtingin anila ng Department of Trade and Industry ang kanilang pagbabantay at pagtugon sa mga reklamo ng ‘overpricing’ sa mga mabibiling water containers, plastic drums at mga kaparehong produkto. 

Paalala ng ahensiya na mga nagnenegosyo na maging responsable at iwasan ang di’ makatarungan pagtaas ng presyo o pananamantala sa sitwasyon. 

Gayunpaman, pagtitiyak ng DTI na mayroon sapat na suplay ng bottled waters sa bansa at hindi kinakailangan mag-hoard ng naturang produkto.