Suportado ng Department of Trade and Industry ang pagtatayo ng libu-libong Electric Vehicle charging stations sa bansa.
Isa kasi sa mga layunin ng kagawaran na maipatupad ang mas tipid na byahe ng mga Pilipinong motorista sa Pilipinas.
Inaasahan sa pagpapalawak at pagkakaroon ng mas maraming bilang ng mga charging at battery-swapping stations ay makatitipid ang mga motorista sa kanilang mga pagbyahe.
Kaugnay ang pagsuporta ng DTI sa plano nang makipagpulong ito sa isang EV Brand.
Kanilang tinalakay ang expansion plans at regulatory framework na makatutulong lalo na sa ‘charging’ ng mga ‘electric vehicles’ sa bansa.
Kabilang sa mga naibida ay ang e-motorcycle lineup na Evo, Feliz II at Viper na compatible sa planong itayong 30,000 battery swapping/charging stations sa Pilipinas.
Sa pamamagitan nito, mapapadali ang paggamit ng electric motorcycles ng mga riders.
Kung kaya’t ibinahagi nilang bukas ang pre-order para sa mga nabanggit hanggang Hulyo 18 na siyang maaring makuha mula 60-libong piso sa 3-libong piso na down payment kasama anim na taong warranty.
Alinsunod dito’y sinuportahan ng DTI ang nabanggit na mithiin na mapalawak pa ang electric vehicle charging stations sa bansa.
















