-- Advertisements --

Nakita ng Department of Trade and Industry (DTI) na mas mababa ang presyo ng mga school supplies ngayong taon kumpara noong nakaraang taon.

Ayon kay DTI Secretary Maria Cristina Roque, na isa sa mga nakikita nilang dahilan ay maraming mga bentahan ng school supplies sa mga pamilihan.

Dagdag pa nito na marami silang mga nakausap na mga negosyante at inamin nilang bumaba ang presyo dahil sa maraming suplay ngayon.

Mayroon din aniyang ibinigay ang DTI na mga price guide subalit nananatiling mas mababa ang presyo nila kaysa sa price guide.

Tiniyak naman ng Kalihim na patuloy ang kanilang ginagawang monitoring sa mga nagbebenta ng school supplies para matiyak na sumusunod ang mga ito sa itinakdang price guides.