Magpapatuloy at hindi magbabago ang kooperasyon sa pagitan ng Taiwan at Amerika.
Ito ang matapang na pahayag ni Taiwanese President Lai Ching-te matapos magbabala si Chinese President Xi Jinping sa Amerika sa isang phone call kay US President Donald Trump kaugnay sa $11 billion na halaga ng arms sale ng US sa Taiwan.
Ayon sa Taiwanese President, nanatiling matatag ang relasyon ng Taiwan sa Amerika at ipagpapatuloy ang lahat ng cooperation programmes at walang magbabago.
Giit pa ni Lai na nananatiling hindi nagbabago ang commitments ng Amerika sa Taiwan at mayroong malakas na channels of communication sa pagitan ng dalawang panig.
Nitong Miyerkules, nanawagan si Chinese President Xi para sa mutual respect sa pagpapalakas ng ugnayan sa Amerika, kasabay ng pag-isyu ng babala kaugnay sa pagbebenta ng mga armas sa Taiwan.
Sa kabila nito, sinabi ni Lai na hindi sila nababahala kaugnay sa kabuuan ng pag-uusap sa pagitan nina Trump at Xi. Sa halip, naniniwala ang Taiwanese President na makakatulong ito para ma-stabilize ang sitwasyon sa rehiyon.
















