Pinuri ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang mahalagang papel sa pagpapanatili ng seguridad, kalayaan, at soberanya ng bansa sa pagdiriwang ng ika-90 anibersaryo nito sa Camp Aguinaldo.
Kinilala ng Pangulo ang mahigit 160,000 kawani ng AFP sa kanilang tagumpay laban sa mga banta, kabilang ang pinalakas na depensa, pinalawak na cybersecurity operations, at epektibong humanitarian at disaster response.
Binigyang-diin din niya ang patuloy na maritime operations ng AFP at ang matatag na paninindigan ng Pilipinas sa paggalang sa international law at pagtatanggol sa teritoryo ng bansa.
Ayon kay Pangulong Marcos, dahil sa serbisyo ng AFP, nagdiriwang ng Pasko ang sambayanan nang may kapayapaan at panatag na loob.
















