Tuluyan nang naging bagyo ang Low Pressure Area na nabuo sa East ng Northeastern Mindanao ngayong araw.
Huling namataan ang mata ng bagyo sa layong 1,075 km East ng Northeastern Mindanao.
May lakas ito ng hangin na umaabot sa 55 km/h malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 70 km/h.
Kumikilos ang bagyo ng mabagal pa Northwestward na direksyon.
Bagama’t bagyo na ito at tatawagin na sa pangalang Basyang, wala pa itong direktang epekto sa alinmang bahagi ng bansa.
Batay sa kasalukuyang tracking o kilos ng bagyo, inaasahan itong maglalandfall sa Caraga sa Huwebes ng hapon o gabi at tatawirin ang Visayas at Palawan sa Biyernes hanggang Linggo.
Posible namang itaas bukas ang TCWS No.1 sa Eastern Visayas and Caraga.
Inabisuhan ang lahat na maging mapagmatyag sa papalapit na bagyo.
















