-- Advertisements --

Tinalo ng San Antonio Spurs ang koponan Oklahoma City Thunder na dating kampion at may hawak ng pinakamagandang record ngayon sa NBA sa iskor na 117-102.

Pinangunahan ni De’Aaron Fox ang Spurs na nag ambag ng 29 puntos habang tumala naman ang superstar na si Victor Wembanyama ng 19 puntos at 11 rebounds sa loob lamang ng 26 na minute, malaking tulong din ang 19 puntos ni Stephon Castle para sa panalo ng Spurs

Hindi naman umubra ang husay ng reigning NBA Most Valuable Player na si Shai Gilgeous-Alexander at ang ambag nitong 22 puntos sa kanyang koponan pati na rin ang 13 puntos at 12 rebounds ni Isiah Hartenstein, Gayundin ang 10 puntos at 12 rebounds ni Chet Holmgren para ipanalo ang kanilang koponan.

Sa simula ng laro ay lumamang agad ang Thunder ngunit kaagad naman itong inabot Spurs at nilamangan pa kung saan nagtapos ang unang quarter sa iskor na 41-36, pagdating ng second quarter ay lumobo pa ang kalamangan ng Spurs hanggang sa sinelyuhan na ng koponan ang kanilang panalo matapos 23-7 run sa ika-apat na quarter.

Ito na ang ika-5 talo ng Oklahoma ngayong season ngunit nananatili paring nangunguna ang koponan sa NBA standing na may record na 26-5, habang sumusunod naman dito ang Spurs na mayroon naming 23-7 na record.