-- Advertisements --

Hinikayat ng grupo ng mga may-ari ng sasakyan ang mga mambabatas na magpasa ng batas laban sa road rage.

Ayon kay Automobile Association of the Philippines President Augustus “Joe” Ferreira , na kapag mayroong mabigat na kaparusahan sa batas ay magdadalawang isip ang mga drivers.

Dagdag pa nito na dapat din ay magkaroon ng psychological test ang mga drivers bukod sa theoretical at practical test para makakuha pa ng drivers license.

Magugunitang ilang insidente ng road rage ang naitala ng mga kapulisan ngayong buwan pa lamang ng Disyembre.