-- Advertisements --
Bumagsak ang ranking ng Pilipinas sa Corruption Perception Index 2025.
Sa inilabas na listahan ay nasa pang-125 ang Pilipinas sa kabuuang 182 na bansa.
Ang nasabing listahan ay base sa datosng anti-corruption monitor na Transparency International.
Sinusukat dito kung gaano kalala ang kurapsyon ng public sektor ng isang bansa .
Inipon nila ang pagsusuri mula sa 13 rating agencies ng 182 bansa kung saan mayroon ranking sila mula 1 hanggang 182 base sa scoreboard na ang 0 ay very corrupt at 100 ay malinis.
Nagtala ang Pilipinas ng 32 na ito ay mababa sa global average na 42 kaya nalagay ang bansa sa ranked 120.
Sa nasabing resulta ay mas malala ito kumpara noong 2024 kung saan mayroong puntos na 33 at nasa 114th place ang Pilipinas noon.
















