Inihayag ni Senate President Vicente ‘Tito” Sotto na dapat ikonsidera ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa ang “no work, no pay” scheme o hindi pagtanggap sa kaniyang sweldo hanggang sa oras na makabalik siya at handa nang magpakita sa senado.
Paliwanag ni Sotto, matagal na din aniya ng huling makadalo sa mga sesyon at makapasok sa kaniyang mga komite ang senador bunsod ang posibilidad na paglalabas ng International Criminal Court (ICC) ng warrant of arrest laban sa kaniya.
Ani pa ni Sotto, sana ikonsidera ng Dela Rosa ang kaniyang suhestiyon para na rin mawala na ang umano’y “pressure” sa opisina nito bunsod nang sunod-sunod na pagliban nito.
Sa kabila nito, bagamat hindi nakikita ang presensiya ni Dela Rosa sa mataas na kapulungan ay patuloy naman aniya sa pagtatrabaho ang kaniyang opisina na nkapagsusumite naman ng mga bills, resolution at recommendations sa mga ongoing na mga pagdinig.
Samantala, hindi na rin aniya ipagtataka ng Senate President ang posibilidad na mag-file ng isang ethics complaint laban kay Dela Rosa dahil na rin sa hindi nito pagsipot at pagpasok sa kaniyang opisina.
Inaasahan naman ni Sotto na mayroong isa sa kanilang kasamahan ang maghain ng complaint nang makapagpaliwanag din ang senador para sa kaniyang mga naging pagliban sa senado.















