-- Advertisements --

Nanindigan si Atty.Israelito Torreon na ginagawa lamang niya ang kaniyang trabaho bilang abogado ni Kingdom of Jesus Christ (KJC) Pastor Apollo Quiboloy.

Sa paghahain nito ng rejoinder affidavit sa Department of Justice (DOJ) sa reklamo ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) dahil sa kasong obstruction of justice, nanindigan si Torreon na handa itong ipagtanggol ang sarili.

Giit na labis ang nasabing alegasyon ng CIDG dahil sa bahagi lamang sa trabaho niya na ipagtanggol ang kliyente.

Nakasaad sa isinumite nito na walang anumang basehan o ebidensiya ang CIDG sa alegasyon na ipinapataw sa kaniya.

Magugunitang noong 2024 ay inaresto ng CIDG si Quiboloy sa KJC Compound dahil sa mga kasong sexual abuse sa mga minors at qualified human trafficking.

Sakaling hindi na magsumite ang CIDG ng rejoinder ay maisusumite na ito para sa resolution ang reklamong obstruction of justice laban kay Torreon.