-- Advertisements --

Ibinahagi ni Retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ang mga paksa na plano niyang talakayin sa isang posibleng “friendly debate” kay Senator Rodante Marcoleta.

Noong nakaraang linggo, tinanggap ni Carpio ang hamon ni Marcoleta para sa friendly debate bago aniya tanggapin ang imbitasyon na bumisita sa Kalayaan Island Group (KIG).

Nauna nang sinabi ni Marcoleta na nais niya munang makipag-debate bago tanggapin ang imbitasyon ni Commodore Jay Tarriela na lumipad patungong KIG.

Samantala, sinabi naman ni Tarriela na bukas siya sa debate para sa mga light topics lamang, ngunit ang karapatan ng bansa sa West Philippine Sea ay hindi aniya dapat kuwestiyunin sa pampublikong diskusyon.

Binanggit din ni Carpio na habang iginagalang niya ang kalayaan sa pagpapahayag ng ilan sa mga senador, paalala niya na mayroon silang pananagutan sa kanilang panata sa Konstitusyon.

Kung saan aniya sinasabi rito na dapat protektahan ng Estado at pangalagaan ang marine wealth sa exclusive economic zone.

Ayon pa kay Carpio, puwede mang tanggapin ang mga personal na pananaw, ngunit dapat laging isaalang-alang ng mga opisyal ng gobyerno ang kanilang panata na ipagtanggol ang teritoryo ng Pilipinas.