-- Advertisements --

Naghain si Bukidnon Rep. Audrey Kay Zubiri ng panukalang batas na gagawing core subject ang financial literacy sa junior at senior high school.

Ayon sa House Bill No. 6091 o Financial Education and Literacy Act, layon nitong turuan ang kabataan ng tamang pamamahala sa pera, pag-iimpok, at pag-iwas sa utang, bilang tugon sa lumalalang problema ng pagka-utang ng maraming Pilipino.

Maraming Pilipino aniya ang nalulunod sa utang hindi dahil sa kakulangan sa pagsisikap kundi sa kakulangan sa tamang kaalaman sa pera. Kung hindi aniya aaksyunan ito, maiiwan sa parehong siklo ng utang ang susunod na henerasyon.

Ayon sa World Bank, halos kalahati ng mga Pilipino ang nangungutang, kaya mahalagang matutunan ang financial literacy sa murang edad upang mabawasan ang pagdepende sa tulong ng gobyerno at mapaunlad ang responsableng pamamahala sa pera. (report by Bombo Jai)