Itinumba ng kulelat na New Orleans Pelicans ang Chicago Bulls, 114-104.
Pinangunahan ni Pelicans forward Trey Murphy III ang kaniyang koponan upang ibulsa ang ika-limang panalo ngayong season sa loob ng 27 games na pinagdaanan na ng koponan.
Gumawa ng 20 points at 10 rebounds si Murphy, sa tulong ng walong field goals na naipasok sa loob ng 34 minutes.
Naglaro naman sa bench ang dating number 1 overall pick na si Zion Williamson at gumawa siya ng 18 points sa loob lamang ng 27 mins. na kaniyang paglalaro.
Gumawa ang Pelicans ng 4th-quarter scoring run at naipasok ang kabuuang 38 points sa loob ng 12 mins. kumpara sa 29 lamang ng Bulls.
Sa pagkatalo ng Bulls, nalimitahan lamang sa 12 points ang sentrong si Nickola Vucevuc, kasama ang walong rebounds.
Hindi naging balakid para sa New Orleans ang walong 3-pointers sa kabuuan ng laban at sa halip ay nag-pokus ang koponan sa paint area. Dito ay kumamada ito ng 60 points habang tanging 46 points lamang ang naging kasagutan ng Chicago.
Ilang pagkakataon ding nahawakan ng Bulls ang lead ngunit kinalaunan ay hindi kinaya ang 4th quarter offense ng kulelat na Pelicans.
















