-- Advertisements --

Tagumpay ang comeback effort ng Los Angeles Lakers laban sa Denver Nuggets matapos nitong iposte ang 8-point win sa pagtatapos ng laban, 115-107.

Pinangunahan ni NBA star Luka Doncic ang panalo ng Lakers sa kaniyang panibagong triple-double: 38 points 13 rebounds, at sampung assists, kasama ang dalawang steal.

Parehong dinumina ng Nuggets ang unang dalawang quarter at ipinoste ang double-digit lead sa pagtatapos ng 1st half.

Ngunit pagpasok ng ikalawang bahagi ng laban, binaliktad ng Lakers ang sitwasyon at sa gumawa ng 29-17 run sa kabuuan ng 3rd quarter.

Hindi na muling nakabawi ang 2023 NBA champion at dinanas ang 115-107 loss sa kamay ng Lakers.

Hindi pa rin nakapaglaro si Nuggets bigman Nikola Jokic at nannaatiling si Jamal Murray ang lead scorer ng koponan. Sa naturang laban, gumawa ang NBA champion ng 28 points, at 11 assists.

Sa panalo ng Lakers, ginawaran ito ng 32 free throws at nagawa ng koponan na ipasok ang 21 rito.

Tanging 19 free throws lamang ang naibigay sa Nuggets sa kabuuan ng laban.

Hawak na ng Lakers ang 26-26 win-loss record habang 29-15 naman ang kartada ng Denver.