Warriors reserve Podziemski, pinangunahan ang panalo ng Warrios vs Heat; Butler, nagtamo ng injury
Pinangunahan ng Golden State Warriors reserve guard na si Brandin Podziemski ang panalo ng 2022 NBA champion laban sa Miami Heat, 135-112.
Sa loob ng 30 mins na paglalaro ng sophomore player, kumamada siya ng 24 points, 6 rebounds, 4 assists, at isang steal.
Naging aggresibo ang reserve guard, lalo na sa huling bahagi ng laban kung saan nagtamo ng injury ang starting forward na si Jimmy Butler, ang karaniwang 2nd scorer ng koponan.
Bagaman hawak na ng Warriors ang lead sa 1st half ng laban, tanging sa 2nd half na lamang naipakita ng koponan ang dominanteng run, kung saan nagawa nitong tambakan ang Miami ng 65-46 sa ikalawang yugto ng laban.
Hindi rin naging maganda ang inilaro ng dating Warriors forward na si Andrew Wiggins na isa ngayon sa mga starter ng Miami matapos itong kumamada ng 18 points sa 1st half ngunit hindi na niya nagawang magpasok pa ng anumang field goal sa ikalawang kalahating bahagi ng laban.
Sa panalo ng GS, muli itong gumawa ng 24 3-pointers, sa pangunguna ni NBA star Stephen Curry na kumamada ng limang 3-pointers upang ibulsa ang kabuuang 19 points at 11 assists.
Samantala, sa ngayon ay wala pang inilalabas ang Golden State na official statement ukol sa injury ni Butler. Bago siya umalis sa hardcourt sa 3rd quarter, nakapagbulsa na siya ng 17 points, 4 assists at dalawang steal.
















