-- Advertisements --

Target na ngayon ni NBA star Kevin Durant na mahabol si Michael Jordan sa pagkakaroon na maraming puntos.

Ito ay matapos na nahigitan na niya si dating Dallas Mavericks star Dirk Nowitzki sa all-tiem scoring player ng NBA.

Naitala ng Houston Rockets star ang record ng talunin nila ang New Orleans Pelicans.

Dahil dito ay mayroon ng 31,562 points na mas mataas kay Nowitzki na mayroong 31.560.

Umangat na sa pang-anim na puwesto si Durant habang nasa pangpito na ang dating Mavs star.

Sa pang-limang puwesto ay si Chicago Bulls star Michael Jordan na mayroong 32, 292 kung saan hindi malabong mahabol ito ni Durant dahil sa aktibo pa ito.

Sa kasalukuyan ay nasa unang puwesto si Los Angeles Lakers star LeBron James na sinundan ni Kareem Abdul Jabbar, Karl Malone at Kobe Bryant.