-- Advertisements --

Napiling magtanghal sa opening ceremony ng Winter Olympics 2026 si American singer-songwriter Mariah Carey .

Siya ang isa sa mga lead performers sa event na gaganapin sa San Siro stadium sa Milan sa darating na Pebrero 6, 2026.

Ang nasabing stadium ay siyang homecourt ng football club na Inter at AC Milan.

Naging suki na ang 58-anyos na singer sa ilang pangunahing sporting events noong nakaraan gaya noong NFL Super Bowl sa 2002 na siyang kumanta ng national anthem ng US ganun sa 2003 NBA All-Star Games at kinanta ang sariling kanta sa 2020 US Open women’s tennis finals.