-- Advertisements --
Ikinagalit ng mga mamamayan ng France ang pagpapakalat ng Immigration and Customs Enforcement (ICE) agents na tutulong sa US security operations sa nalalapit na Winter Olympics sa susunod na buwan.
Dahil dito ay hinikayat ng mga mambabatas si Italian Prime Minister Giorgia Meloni na mamagitan para hindi matuloy ang pagpapakalat ng ICE agents.
Ikinakabahala nila kasi na baka mangyari sa kanila ang dalawang insidente ng pamamaril ng ICE sa Minneapolis.
Paliwanag ni Department of Homeland Security (DHS) spokesperson Tricia McLaughlin , na magbibigay lamang ng seguridad ang mga ICE agents.
Magsisimula ang Winter Olympics mula Pebrero 6 hanggang Pebrero 22 na ang host ay Milan at Cortina d’Ampezzo.
















