-- Advertisements --

Bubusisiin ng Maritime Industry Authority o MARINA ang mga seryosong paglabag sa safety protocols ng lumubog na barko sa Basilan.

Pangunahing tinitignan ng ahensya ang ulat na kulang ang life vests at overloaded ang barko nang mangyari ang insidente.

Kasama rin sa iimbestigahan ang impormasyong isa lamang itong replacement vessel o panghalili sa orihinal na barko.

Aalamin ng mga otoridad kung dumaan ba ito sa tamang seaworthiness check bago pinayagang maglayag.

Nais tiyakin ng MARINA kung may naganap na kapabayaan sa panig ng ship operator at mga tauhan sa pantalan.

Nagbabala ang ahensya na mananagot ang sinumang mapapatunayang lumabag sa batas pandagat.