-- Advertisements --
Isang tropical storm na may international name na Champi ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility bilang super typhoon sa Martes o Miyerkules sa susunod na Linggo.
Ayon sa Japan Metreological Agency, nakita ang Tropical Storm Champi sa layong 3,100 kilometers sa Silangang bahagi ng Visayas.
Ang tropical storm na may international name na Champi, ay isang Laos name na ang ibig sabihin ay red jasmine flower sa Lao Language.
Taglay nito ang lakas na hangin na aabot sa 85 kilometers per hours na kumikilos sa may westward na bahagi ng 20kph.
Oras na makapasok ito sa Philippine Area of Responsibility, papangalanan naman itong Rosal. Ito ang magiging kaunaunahang bagyo sa buwan ng Oktubre at pang-labingwalo sa buong taon.














